Natatandaan n’yo pa ba si Brazilian volleybelle Leila Barros, 48-anyos na minsang bumisita sa bansa noong dekada 90? Minahal ng masang Pilipino si Barros dahil sa kanyang karisma at husay sa paglalaro ng volleyball.
Napaulat na nagpositibo si Barros sa Covid-19 nang sumailalim sa RT-PCR test pagkatapos na makaranas ng lagnat at pananakit ng katawan. Gayunman, wala namang nakitang pinsala sa kanyang baga; na sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng home isolation.
Kung matatandaan, inabangan ng Pinoy fans si Barros na bahagi ng Brazilian volleyball squad na sumalang noon sa FIVB World Women’s Volleyball Grand Prix na idinaos sa Manila, 20 taon na ang nakararaan.
Nagwagi rin siya ng dalang bronze medal para sa Brazil noong 1996 Atlanta at 2000 Sydney Olympics.
Nagpasalamat naman sa mga fans ang retired opposite spiker dahil sa mga ‘comforting message’ sa kanyang social media account.
“I have faith that soon, I will recover. I say my prayers that everyone who fights against this disease will have strength at this moment,” ani Barros na isa ring senador sa Brazil .
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo