December 27, 2024

DATING ALBAY GOV. NOEL ROSAL DISQUALIFIED – COMELEC

HINDI pinayagang makatakbo ng Commission on Elections (COMELEC) si dismissed former Albay Governor Noel Rosal na muling tumakbo sa kanyang dating posisyon sa 2025 elections.

“Being dismissed from service, [Rosal] is disqualified under Section 40 (b) of the LGC, which disqualifies any person running for a local elective post who was removed from office as a result of an administrative case,” mababasa sa desisyon ng poll body.

Nag-file ng petisyon sa Comelec noong Oktubre 10 ang isang rehistradong botante ng Legazpi City na si Josefino Valenzuela Dioquino, na binanggit na ang dating gobernador ng Albay ay tinanggal na sa serbisyo publiko ng Office of the Ombudsman noong nakaraang taon.

Napatunayang guilty si Rosal sa kasong Grave Misconduct, ­Oppression at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service hinggil sa paglilipat ng ilang department heads sa ibang posisyon na paglabag umano sa mga patakaran ng Civil Service Commission na lubhang nakaapekto sa operasyon at serbisyo ng pamahalaang panlalawigan.

Nag-file ng kanyang COC si Rosal noong Oktubre 3 kasama ang kanyang asawa, si Geraldine Rosal, na tumatakbo bilang alkalde ng Lungsod ng Legazpi.

Kaugnay nito, sinuspinde naman ng Ombudsman sa serbisyo ng isang taon ang asawa nitong si Legaspi Mayor Geraldine Rosal kaugnay ng umanoy iligal na pagbibigay ng trabaho kay Legaspi City Engineer Clemente Ibo sa Pamahalaang Panlalawigan.
Dulot nito, si Engr Ibo ay nagseserbisyo sa dalawang lokal na yunit ng gobyerno na umanoy paglabag sa batas.