May 19, 2024

DANIEL PADILLA, MANANATILI SA STAR MAGIC, TALENT AGENCY

PINABULAANAN nang aking kausap na walang katotohanan ang mga kumakalat na balita na aalis na si Daniel Padilla sa Star Magic. Hindi raw totoo ang chika na aalis na ang actor, fake news daw ang kumakalat na balita.

“Sinabi po mismo ng Star Magic, na mananatili si Daniel Padilla sa kanilang talent management agency. Walang katotohanan na lilisanin na niya ang nasabing talent agency, dahil next month ay magkakaroon ng contract signing ang actor.

“Ilalatag ng ABS-CBN ang mga projects niyang gagawin, pero hindi na niya kasama ang actress na si Kathryn Bernado.

“May mga projects ang Talent Agency sa KathNiel, pero hindi na nga iyon matutuloy dahil wala na nga ang Kathryn Bernado.” Malungkot na pahayag ng aking source.