May 18, 2024

DANIEL PADILLA, ERPAT DAW NG ANAK NI JULIA MONTES?

Napag-ugnay ngayon ang pangalan ni Daniel Padilla kay Julia Montes dahil sa isang nakalolokong comment. Ito ay dahil sa question ng isang netizen sa ermat ng aktor na si Karla Estrada.


Nagtanong kasi ito sa Instagram post ni Karla bilang comment. Nakakaintriga ang tanong nito na kung si DJ o Daniel daw ba ang tatay ng anak ni Julia?


Saan naman kaya kinuha ng netizen na iyon ang haka-haka? Nagkaroon ba ng affair sina Daniel at Julia? ‘E wala naman.