
SA pag pirmang muli ni Daniel Padilla sa ABS-CBN, nanatili itong loyal sa nasabing TV network. Kaya naman ayaw din siyang pakawalan dahil hanggang ngayon ay malaki pa rin ang tiwala sa kanya ng nasabing Kapamilya network.
“Masayang masaya ho si Deej, dahil hindi na sayang iyong 15 years na tiwalang ibinigay sa kanya ng ABS-CBN. Kahit dumating iyong mga pagsubok, hindi nagpa-tinag si Deej at ipinaglaban ang kanyang TV network ng ito ay dumaan sa mabibigat na pagsubok
“Mabait at mapagmahal daw si Deej sa kanyang pamilya at masipag at sinsero sa trabaho, iyan daw ang nakita ng mga big boss ng Kapamilya network sa awra ni Daniel. Kaya never nila itong pakakawalan, kahit na anong mangyari.
“Maraming mga projects ang nakaline-up kay Daniel, pero sa music muna magpo-pocus ang actor. Dahil mukhang may nilulutong proyekto na pagsasamahan nilang dalawa ni Ely Buendia, pero sekreto pa raw ang lahat,” masayang kwento ng aking source.
More Stories
18.9 Senior High School Grads Itinuturing na ‘Functional Illiterate’ – PSA study
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT
MAY 10 KOPONAN ANG PSAA LEAGUE NA LALARGA SA MAYO 10