Nahirang na MVP ng NBA Restart bubble si Portland Trail Blazers star Damian Lillard. May average si Lillard na 37.6 points, kung saan leading ito sa restart.
Noong August 2, nagtala si Lilliard ng 30 points at 16 assists kontra sa Boston. Nagtala rin siya ng di bababa sa 30 puntos at 10 assists kada laro.
Noong August 6, nagtala siya ng 45 puntos at 10 assists kontra Denver. Sampung tres din ang naibuslo niya.
Sa laro naman kontra Mavericks noong August 11, 61 points ang naitala niya. Napantayan din niya ang kanyang record. Tatlong beses siyang nagtala ng 60 plus points sa kanyang career.
Tanging si Wilt Chamberlain lang ang nagtala ng nasabing record sa loob ng isang season. Pero, nakahilera na ito ni Lillard
Sa laro naman kontra Brooklyn noong August 13, bumuslo si Lillard ng 42 puntos. Masaya naman si Lillard sa pagpalaot ng Portland sa playoffs.
Kumapit sa 8th seed ang Blazers pagkatapos ipitin ang Memphis Grizzlies, 126-122. Malalaharap nila sa Miyerkules ang Lakers sa unang round ng playoffs.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!