Sinipa ng Dallas Mavericks ang Golden State Warriors sa Game 4 ng Western Conference Finals, 119-109. Kaya naman, nakaligtas sila sa pagkawalis sa contention, 1-3.
Lumagare sa Mavs si Luka Doncic na may 30 points, 14 boards at 9 assists.Nagdagdag naman si Dorian Finney-Smith ng 23 points, 6 boards at 2 steals. Nag-ambag naman si Reggie Bullock ng 18 points at 15 points naman ang kay Jalen Brunzon.
Sa panig naman ng Warriors, bumuslo si Steph Curry ng 20 points, 8 assists at 5 boards. May produksyon naman si Jonathan Kuminga na 17 points. Samantalang 14 points at 4 assists ang inambag ni Jordan Poole.
Sa unang quarter ng laro, nasa Warriors ang ritmo at momentum ng opensa. Nakadidikit lamang ang Dallas. Ilang beses ding nagpalit ng lead changes. Subalit, rumatsada ang Mavs sa second quarter at lumamang ng 2 digit lead. Nagpatuloy pa ang red-hot shooting ang Dallas.
Katunayan, tinambakan nila ang Warriors ng 29 points dahil sa three-point offense. Subalit, nakahabol ang Golden State at naibaba ang lamang sa 8 points. Gayunman, napigilan ito ng home team at inapula ang late comeback ng ‘Dub City’.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!