
Umusad ang Dallas Mavericks sa West finals matapos pahiyain ang Phoenic Suns. Minasaker ng Mavs ang Suns sa Game 7 at tinapos ang series sa 4-3.
Nanguna sa opensa ng team na may 33 points lead si Luka Doncic. Naglista si Doncic ng 35 points, 10 boards at 4 assists. Nagdagdag naman si Spencer Dinwiddie ng 30 points at 3 boards.
Nag-ambag naman si Jalen Brunson ng 24 points, 6 boards at 2 assists. Si Devin Booker ay nagtala ng 11 points at 3 rebounds. Habang si Chris Paul ay tumipa ng 10 points at 4 assists.
Ikinadismaya naman ng fans ng Phoenix ang pagkakalaglag ng team. Lalo pa nga’t sa home court nila ginawa ang laro.
Sasagupa ang Dallas sa Golden State Warriors sa West Finals.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT