
Muling namayagpag ang Dallas Mavericks sa Los Angeles Clippers sa Game 2 ng Western Conference playoffs series. Binalibag ng Dallas ang Clippers sa iskor na 127-121. Kaya naman, lamang na sa 2-0 sa series ang tropa ni coach Rick Carlisle.
Impresibo ang naging performance ni Luka Doncic para sa Mavericks. Nagtala siya ng 39 points, 7 rebounds at 7 assists.
Kumamada naman si Tim Hardaway Jr. ng 28 points at 5 assists. Si Kristaps Porzingis naman ay nag-ambag ng 20 points, 4 rebounds, 3 steals at 2 blocks.
Sa panig naman ng Clippers, gumawa si Kawhi Leonard ng 41 points, 5 boards at 3 assists. Kumana naman si Paul George ng 28 points, 12 rebounds at 6 assists.
Ang Game 3 ay gagawin sa Biyernes sa homecourt ng Dallas sa American Airlines Center.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT