DUMAGDAG ng dalawang gintong medalya sina Filipino obstacle racers Julius Rodelas at Precious Cabuya para sa Pilipinas sa maagang pagsambulat ng 32nd Southeast Asian Games Cambodia 2023 sa Phnom Penh.
Ang 35-anyos na si Rodelas ay naorasan ng golden time na 25.1939 sapat na upang pagharian ang dibisyon na sinaksihan mismo nina Philippine Sports Commission chairman Richard Bachmann at Philippine Olympic Committee president Abraham ‘Bambol Tolentino sa Chroy Changvar Convention Center Car Park.
“Actually my training for this event started after 2019.I got bronze that time and I was a newbie back then so for the next four years,I really trained hard to reach a high level”,wika ni Rodelas.na nag- quit pa sa kanyang trabaho bilang high school teacher upang maging full time OCR athlete.
Inialay naman ni Cabuya ang ikalawang ginto matapos daigin ang kababayang si Kaizen dela Cruz na nasungkit ang silver.
“This is my biggest achievement so far.An unforgettable experience as this was my first SEAGames and won a gold right away..I’m so happy I contributed gold medal for the country,” pahayag ni Cabuya.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!