
KULONG ang isang babaeng service crew matapos ipadakip ng kanyang amo dahil sa nawawalang higit P30K halaga ng produkto sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Nahaharap sa kasong Qualified Theft si Jocelyn Pliego, 39, service crew at residente ng Burgos St. Brgy. Concepcion.
Sa pahayag ni Joseph Michael Vincent Ramirez, 37, negosyante, kay police investigator PMSg Julius Mabasa, mula nang magbukas ang tindahan noong May 16, 2020 hanggang October 3, 2020 ang suspek lang ang gumagawa ng arawang inventory at ang ipinapasa at ideniklara sa may-ari ay kompleto.
Hanggang sa bandang alas-6:30 ng October 3 ng gabi, nagsagawa ng inventory ng kanilang produkto ang biktimaat ang suspek sa Potato Comer Stall sa loob ng Fisher Mall sa Brgy. Longos.
Dito, nadiskubre ng biktima na nawawala ang 22 packs ng french fries na nasa 2.5 kilo per pack na aabot sa P23,100 ang halaga at assorted cups para sa french fries na aabot sa P7,644 ang halaga kaya’t tinawag ni Ramirez ang security guard ng mall at ipinadakip si Pliego.
More Stories
Akbayan Nangunguna sa Party-List Race ng Halalan 2025
VICO SOTTO, LANDSIDE NA NAMAN SA PASIG (Mahigit 390K na boto, lamang na lamang sa mga katunggali)
GO, AQUINO, DELA ROSA NANGUNGUNA SA SENATORIAL RACE — PARTIAL RESULTS NG COMELEC