SIGN lamang ito na maraming ng mga tao ang tamad ng manood ng sine. Kung tauhin man ang isang pelikula, ‘yun ay kung talagang maganda at sagana sa promotion.
Pero sa ngayon, dinudumog lang ang mga sinehan kung ang mga artista ay personal na nagpo-promote ng kanilang mga pelikula. Pero hindi lahat ay nagtatagumpay, tignan ninyo nangyari sa movie ni Vilma at Boyet. Kahit naglustay na ng pera ang OWWA ni Arnel Ignacio, para tulungan ang Boyet – Vilma loveteam ay ‘flop’ pa rin ang naging resulta nito sa Box-office at 20milyon lang ito.
Ang pumapatay sa movie industry ay ang taas ng presyo ng tickets nito, tapos isang screening lang dahil nagtitipid ang mga may ari ng sinehan. Iyong iba hindi na tumatanggap ng mga indie at may kalidad na pelikula.
Kahit anung gawin ng mga may katungkulan sa movie industry, tanggapin na nila na swertihan na lang kung tangkilikin ang mga pelikula nila mga Moviegowers.
More Stories
World Slasher Cup nakatakda sa Jan. 20-26 sa Araneta Coliseum
BONG GO: BIKOY DAPAT MAGPATINGIN SA MENTAL HOSPITAL!
2 bata nagasaan ng taxi sa Caloocan, 1 patay, 1 sugatan