November 1, 2024

DAHIL SA EPEKTO NG PANDEMYA, ABL, NANGANGANIB MAWALA SA EKSENA

Dahil sa patuloy na pamemerwisyo ng Covid-19 pandemic, namemeligrong mawala o hindi na maipagpapatuloy ang ika-10 taon ng ng Asean Basketball League (ABL). BUkod dito, painangangambahan ding baka tuluyan nang malusaw ang liga.

Kaugnay dito, sinabi ng mapagkakatiwalaang source na hindi na ni-renew ang kontrata ng kanilang staff ng na naturang regional league, kabilang na si chief operating officer Jericho Ilagan.

Hindi kasi natupad ang muling pagpapalawig ng kontrata ng Singapore-based league ang kontrata ng kanilang mga staff na may palugit na hanggang Mayo 30. Subalit, hindi ito natuloy dahil noong katapusan na lamang ng Marso nila pinasahod ang kanilang mga staff.

Karamihan sa mga staff ng ABL ay pawang mga Pilipino at si Ilagan pa anila ang sumagot ng ‘separation packages’ ng mga ito. Malaki ang naging epekto ng pandemya sa operasyon ng AirAsia ( major owner) , isang Malaysian low-cost airline na napaulat na nalugi ng $187.91 milyong dolyar noong Marso. Kung kaya, mahihirapan aniyang ipagpatuloy pa ang operasyon ng liga.