May 10, 2024

Dahil nagsara na ang show… PAOLO CONTIS, PAGHO-HOST NAUNSIYAMI

KAHIT binabash nila na mayabang at babaero itong si Paolo Contis, nakapag-bibigay naman ito ng saya sa madlang pipol sa pagho-host nito sa ‘Tahanang Pinakamasaya.’

“Naaapektuhan ho siyang talaga sa pagsasara ng ‘Tahanang Pinakamasaya,’ kaya mas minabuti na lamang niyang mag-isa at magkulong pansamantala sa kanyang room.

“Gusto muna niyang mag-isa, at tikom ang bibig niya dahil gusto niyang manatiling tahimik at mas unahin na manahimik na lang,” chika pa ni Miss. Bubuwit na aking source.