PATULOY ang buhos ng biyaya para sa magiting at bagong bayani ng bansa na si Carlos Edriel Yulo, double gold -medalist ng nakaraang Paris Olympics 2024.
Pinaka-latest ng sunud-sunod ns gyasya ng kabayanihan ay ang handog na Php 5 million cash gift mula sa namamayagpag na kumpayang DigiPlus katuwang ang Arena Plus sa idinaos na kaganapang binansagang Astig Ka ,Carlos!
Ito ay bilang rekognisyon sa karangalang hatid ni Yulo bunga ng dedikasyon,talento at pagsisikap para sa kanyang monumental achievement upang masungkit ang 2 gintong medalya para sa bansa nang pagharian ni Yulo ang men’s floor artistic gymnastics at men’s vault apparatus.
“Carlos victories at the Paris Olympics are not just personal triumph;they are a beacon of hope and inspiration for aspiring Filipino athletes dreaming of making their mark on the world stage,” wika ni Digi Plus Chairman Eusebio Tanco na sinegundahan naman ni ArenaPlus top brass Rafael Jasper Vicencio.
Buong pusong pasasalamat naman ang tugon ni Yulo sa pakitang-suporta at pagkilala ng DigiPlus at ArenaPlus sa kanyang karera.
“I’m deeply grateful for celebrating this victory with me, and recognizing my perseverance. Success does not come overnight.It is made possible with the support of those who believe in me.I’m honored to have partners by my side like DigiPlus and ArenaPlus as we chase dreams for the Philippines,” sambit ni Yulo. (DANNY SIMON)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA