Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na hindi na nito ibinebenta ang nasamsam na 100,000 kilo ng smuggled na puting sibuyas sa Kadiwa markets dahil sa health at sanitary concerns.
Una nang sinabi ng ahensiya na plano nito na ibenta ang sako ng mga puting sibuyas na nakumpiska sa Divisoria, Manila at Kadiwa stalls sa mas murang halaga.
“Ang resulta ay mukhang hindi kaiga-igaya,” ayon kay DA deputy spokesperson Rex Estoperez sa isang media forum.
“Firstly, ‘yung pinag-imbakan ng smuggled nito is not for onions,” punto niya. “So nung nakumpiska ito mukhang ‘yung iba nag-deteriorate na because hirap sila maglabas.”
“Secondly is that ‘yung hygiene, mukhang hindi maganda,” dagdag niya. “Not safe for human consumption. The infestation is also not safe for our industry. So, we will not risk selling this to Kadiwa.”
Ang mga sibuyas, na tinatayang nagkakahalaga ng P3.9 milyon, ay karga ng truck ng Philippine National Police at dinala sa isang warehouse ng Bureau of Plant Industry (BPI) para sa imbentaryo.
Subalit, sinabi ni Estopere na base sa phytosanitary test na isinagawa sa mga sibuyas, natuklasan na hindi ito ligtas kainin.
Sinabi ng DA official na susunugin o gugutayin ang mga sibuyas para gawing compost.
Dagdag pa ng deputy spokesperson na kanilang itutuloy ang testing sa iba pang nakumpiska na smuggled agriculture products ng Bureau of Customs at mga related agency.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI