December 27, 2024

Customs port of NAIA handa na sa pagdating ng aprobadong bakuna sa bansa

Sinimulan na ng Bureau of Customs port of NAIA ang pakikipag-ugnayan sa mga partner agency at warehouse operator para sa paghahanda ng pagdating ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Sa pamamagitan ng video conference na dinaluhan ng Department of Health at iba pang kinatawan ng partner agencies, kung saan tinalakay ang mga health protocols, permit sa kakailanganing pasilidad sa pagdating ng aprubadong bakuna sa Pilipinas.

Ayon kay NAIA costoms district collector Carmelita Talusan, ang NAIA Customer Care Center at Covid-19 One-Stop Shop for covid-19 vaccines ang tatanggap sa paparating na importasyon sa Port of NAIA.

Binigyan diin ni Talusan na mananatili silang mapagbantay at committed sa mga border protection upang matiyak na ang mga hindi rehistradong kalakal ay hindi makakalusot papasok sa bansa. (RUDY MABANAG)