PINATALSIK ng Partido Demoktratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa pangunguna ni Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao si Energy Secretary Alfonso Cusi at dalawang pang miyembro ng ruling party.
Sa inilabas na resolusyon, pinatawan ng expulsion sina Cusi, na siyang PDP Laban vice chairman, Deputy Secretary General Melvin Matibag at Membership Committee Head Astra Naik.
Ayon kay PDP Laban Exec Dir. Ron Munsayac, inalis ang tatlo dahil sa paglabag sa party constitution.
Nabatid na hindi sinasang-ayunan ng PDP-Laban president na si Sen. Manny Pacquiao ang nais nina Cusi na gawing standard bearer ng grupo ang isang outsider sa grupo na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
“Vice Chairman Cusi is already manipulating the party to support the Duterte-Duterte tandem which is a blatant admission of supporting Sara Duterte Carpio for president, who is not a member of the Party,” saad ng resolusyon.
Kasama rin sa resolusyon ang pagbasura sa nilalaman ng isinagawang pagpupulong noong Marso 31, 2021 sa Cebu at ang paparating na pagpupulong ng PDP Laban National Council sa Hulyo 17, 2021.
Nabatid na pinangunahan ang nasabing pulong nina Cusi at Matibag.
More Stories
MIAMI HEAT HINDI ITI-TRADE SI JIMMY BUTLER
PRESYO NG MGA BILOG NA PRUTAS NAGMAHAL NA
LOLO DEDO SA SINTURON NI HUDAS; 125 BIKTIMA NG PAPUTOK