December 25, 2024

Curfew 24 oras para sa mga menor tuloy sa Navotas

Sa kabila ng pasya ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na payagan na ang mga may edad 15-65 na umalis ng bahay, tuloy pa rin ang 24-oras na curfew para sa mga menor-de-edad sa Lungssod ng Navotas.

“We want our children to stay safe. This is precisely why we kept them from going to school and encouraged them to attend distance learning classes instead,” ani Mayor Toby Tiangco.

“Allowing those between 15 to 18 years old to go out is absurd. It defeats the purpose of distance learning and will further distract them from their studies. We cannot afford to be wishy-washy with our rules. Lives are at stake,” giit ng alkalde .

Binigyang-diin ni Tiangco na nakasaad sa City Ordinance No. 2020-33 na ang mga residenteng wala pang 18 anyos ay dapat manatili sa bahay sa lahat ng pagkakatan habang ang lungsod ng Navotas ay nasa ilalim pa ng community quarantine o anumang lockdown na itinakda ng pambansa o lokal na pamahalaan.

“We are still under general community quarantine. As long as a quarantine is in place, we will continue to uphold our 24-hour curfew to keep young Navoteños safe from COVID-19,”anang alkalde.

Samantala, sinabi ng punong-lungsod na ang mga seniors ay maaari nang lumabas kung sila ay mga authorized persons outside residence o may kinakailangang  bilhin.

“Be they 60 or 65, our seniors are already allowed to go out if needed be. But for the sake of their safety and well-being, we highly encourage them to stay home,”ani Tiangco.

“While it is true that our COVID-19 curve is flattening, cases can skyrocket any time, especially if we loosen up our policies too soon. We should learn from other countries that are now suffering from a resurgence of cases,”  patuloy ng punong-lungsod.

Iginiit ng alakalde na dapat ituloy ng gobyerno ang mahigpitn pagpapatupad ng mga batas upang hindi masayang ang nakamit na ntio sa laban sa COVID-19. “Our curve is flattening.  We want to make sure that this is sustained, that when we loosen up our policies, everyone will remain safe and we will not have to go back to stricter measures. We need to be slow but sure,” pagwawakas ng alkalde.