April 27, 2024

CRISTY FERMIN KINASUHAN NG MAGULANG NI SARAH LAHBATI

UMAMIN si Cristy Fermin, na kinasuhan sila ng mga magulan ni Sarah Lahbati na sina Abdel at Esther Lahbati.

“Inamin naman iyon ni Cristy Fermin at kasamang kinasuhan din sina Romel Chika at Wendell Alvarez, hindi na nila idinetalye dahil ang abogado na nila mismo na sina Atty. Ferdie Topacio at Atty. Ralph Andrada ang bahala nasa kaso.

“Dumadalo ang tatlo sa hearing, at nakaharap na nila ang ina ni Sarah na si Aling Esther sa piskalya ng Quezon City.

“Marami naman ang nagbunyi lalo na ang mga galit kay Cristy Fermin, at ang dasal nga nila ay makulong ito para raw magtanda,” pahayag pa ni Miss. Bubuwit na aking source.