Pinapak ng Creamline Cool Smashers ang Choco Mucho Flying Titans sa PVL Invitational Conference. Nakalapit sa semis ang Creamline matapos daigin ang depleted sister team, 25-22, 25-14, 25-22. Bumida si Tots Carlos sa pagpalo ng 25 points sa laro na idinaos sa MOA Arena sa harap ng 15,237 fans.
Unstoppable din si Carlos sa pagtala ng 23 kills, 1 ace at 1 block.
“Na-improved talaga ni Tots ang reception niya. Kasi, may control siya sa kanyang laro. Kapag maganda ang receive sa kanya, marami siyang magagawang points,” ani Creamline coach Sherwin Meneses .
“Sabi ko sa kanya, i-take advantage na niya ang blockers ng kalaban. Kapag naiwasan niya. Hayun, nakakapasok ang palo niya,” dagdag nito. Nakapalapit ang Choco Mucho sa first set at tumabla pa sa 22 all.
Doon na gumawa ang Open Conference MVP ng 3 sunod na points. Kaya, naipanalo ng team ang unang set. Naka-recovered naman sila mula sa 1-7 start sa third set. Kung saan, si Carlos din ang nagbigay ng panlamang na points, 20-19. Siya rin ang bumira ng last 4 points, 25-22 sa laro na tumagal ng 1 oras at 40 minuto.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2