Nagdeklara ng dalawang araw na tigil-putukan ang New People’s Army upang gunitain ang ika-55 taon ng anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Ang cease fire ay magsisimula sa hatinggabi ng Disyembre 25 at matatapos ng alas-11:59 ng gabi sa Disyembre 26.
“The two-day ceasefire aims to allow the peasant masses and NPA units in their area to conduct assemblies, meetings or gatherings to celebrate the Party’s anniversary, look back at past achievements, and pay tribute to all heroes and martyrs of the Philippine revolution,” pahayag ng CPP-NPA sa isang kalatas.
Ang deklarasyon ng tigil-putukan ay bilang pakikiisa rin sa taumbayan sa tradisyunal na selebrasyon ng kapaskuhan.
Sa kabilang banda, iginiit ng CPP-NPA na bagaman hinto muna ang mga opensiba laban sa puwersa ng gobyerno ay handa umano silang magdepensa sa mga pag-atake ng mga security forces.
Ang ceasefire ay idineklara ng CPP-NPA ilang araw naman matapos ang nangyaring bakbakan ng magkabilang puwersa na ikinasawi ng anim na rebelde at isang sundalo sa Balayan, Batangas.
Nabatid pa na hanggang wala pang pinal na desisyon ang gobyerno at ang hanay ng CPP-NPA ay todo alerto ang tropa ng mga sundalo sa posible umanong pag-atake ng NPA rebels na hindi umano malayong umatake bago at pagkatapos ng kanilang anibersaryo.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA