
Nais ng pamunuan ng NBA at National Basketball Players Association na maikasa ang isang contigency plan sa liga. Na paigtingin pa ang pagsasagawa ng COVID-testing sa mga staff at players.
Ito’y matapos maalarma ang NBA sa pagsalang ng 60 players sa quarantine. Ang iba sa mga ito ay manlalaro ng Chicago Bulls.Gayundin ang manlalaro ng Brooklyn Nets at Charlotte Hornets.
Nasa 13 players naman ang bagong isinailalim sa health ang safety protocols. Pinakamarami anilang naitala sa regular season.
Kaya naman, hangad ng liga na palawakin pa ang kampanya sa COVID-19 test. Kahit na ang mga vaccinated players. Lalo na’t mapapasabak ang mga ito sa ilang selebrasyon ngayong holiday season.
More Stories
GSF TANAY RAVEN SIKARAN HANDA NA SA NATIONAL TILT
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
BOXING LEGEND GEORGE FOREMAN PUMANAW NA, 76