LUMAMPAS na sa 20,000 ang bilang ng namatay sa COVID-19 dito sa Pilipinas nitong Martes habang naghahanda ito upang palawakin ang mga pagsisikap sa pagbabakuna sa ikalawang kalahati ng taon.
Magmula nang pumutok ang pandemya noong nakaraang taon, umabot na sa 20,019 COVID-19 deaths ng Pilipinas matapos mapaulat na 36 ang bagong nasawi sa virus, ayon sa datos ng Department of Health.
Habang pumalo na sa 1,188,672 ang COVID-19 cases ng nakahahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 48,201 o 4.1 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 3,972 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
92.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 2.1 porsyento ang asymptomatic; 1.42 porsyento ang moderate; 2.1 porsyento ang severe habang 1.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Ayon pa sa DOH, 4,659 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,120,452 o 94.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE