May 17, 2024

Contractual airport cleaner sa NAIA Terminal 1 nakatanggap ng ayuda mula kay Senator Bong Go

Nasa 1,139 na mga NAIA terminal 1 contractual airport cleaner ang nakatanggap ng ayuda mula kay Senador Bong Go.

Nakatanggap ng bawat isa ng tig-tatlong libong piso, grocery at limang bike na ipina-raffle.

Sa mensahe ni Senador Bong Go, sa pamamagitan ng video message,  ramdam niya ang hirap na nararanasan ng mga ordinaryong empleyado lalo na ngayon nasa pandemic tayo ng COVID-19.

Pero tiniyak niya na kapag magkaroon na ng vaccine ang unang ipaprayoridad ang mga mahihirap na mapagkakalooban nito.