Arestado ang isang construction worker matapos makuhanan ng tinatayang nasa 328 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana sa buy bust operation ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Paolo Reyes alyas Amping, 21, ng Ignacio St., Brgy. Daanghari.
Ayon kay Col. Ollaging, dakong 2:15 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ng buy-bust operation sa Bacog, Block 3, Brgy. Daanghari.
Isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P500 halaga ng marijuana.
Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang pastic ice bag ng pinatuyong dahon ng marijuana ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.
Narekober sa suspek ang tinatayang nasa 328 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may corresponding standard drug price (SDP) P39,360.00, buy-bust money, at isang eco bag.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA