December 25, 2024

CONG. TOBY TIANGCO NAGBIGAY NG MGA BANGKA SA FISHERFOLK

KASAMA si BFAR-NCR Regional Director Noemi Lanzuela, pinangunahan nina Cong. Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco ang pamamahagi ng NavoBangka sa mga rehistradong Navoteño fisherfolk kung saan 15 pares ng mga mangingisda ang nakatanggap ng 30-footer fiberglass banca na mayroong 16hp marine engine at underwater fittings, at fishing nets. Ang NavoBangka-buhayan ay programa ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas, katuwang ang Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at pinondohan ni Cong. Tiangco. (JUVY LUCERO)

PINANGUNAHAN ni Navotas Congressman Toby Tiangco ang pamamahagi ng 30-footer NavoBangka at fishing nets sa 30 rehistradong Navoteño fisherfolk.

Ang mga fiberglass boat ay nilagyan ng 16-horsepower marine engine at underwater fitting.

“Many Navoteños depend on fishing for their livelihood. By giving them their own boats, we help ensure that they earn enough to support their family and sustain an improved quality of life,” ani Tiangco.

Hinikayat din ng mambabatas ang mga benepisyaryo na irehistro ang kanilang mga bangka sa City Agriculture Office.

“It is important to have your boats registered so you can avail benefits from BFAR [Bureau of Fisheries and Aquatic Resources] such as fuel subsidy,” sabi niya.

Si Tiangco ay nagsisilbing vice chairperson ng Committee on Aquaculture and Fisheries Resources kung saan inihain niya ang House Bill No. 2926 o ang paglikha ng Manila Bay Management Council.

Ang NavoBangka-buhayan program ay itinatag noong 2018 para matulungan ang mahihirap na Navoteño fisherfolk na magkaroon ng sustenableng kabuhayan. Ang mga benepisyaryo ay kinakailangan pumasa sa isang drug test at dapat mapanatili ang mabuting moral.

Mula nang mabuo, ang programa ay nakinabang na rito ang humigit-kumulang 330 Navoteño na mangingisda.

Dumalo rin sa turnover sina Mayor John Rey Tiangco at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – NCR Regional Director Noemi SB. Lanzuela.