November 24, 2024

CONG. TIANGCO PINURI SI PBBM SA P29 RICE PROGRAM

UMABOT sa 1,500 Navoteño ang nakabili ng hanggang limang kilo ng P29/kilo na bigas na programa ng administrasyong Marcos para sa mga Pilipino. Dahil dito, nagpasalamat sina Navotas Rep. Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco kay Pangulong Bongbong Marcos sa pagsisikap ng kanyang adminitrasyon na palawakin ang access sa abot-kayang bigas, sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga Kadiwa outlet na nag-aalok ng murang bigas npara sa mga senior, PWD, 4Ps, at solo parents. (JUVY LUCERO)

NAGPA-ABOT ng papuri si Navotas Representative Toby Tiangco ang pagsisikap ng administrasyong Marcos na palawakin ang access sa abot-kayang bigas, kasunod ng pag-anunsyo ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. na dadagdagan nila ang bilang ng mga Kadiwa outlet na nag-aalok ng P29 kada kilo ng bigas mula 13 hanggang 23 na tindahan.

“The sustained efforts of this administration to lower the price of basic commodities, including Filipino staples like rice, shows its steadfast commitment to fulfill its promises. With this program, Filipinos from vulnerable households and sectors are given some economic relief as they gain access to low-cost goods for their families,” pahayag niya.

Kabilang sa mga benepisyaryo ng P29/kilo rice program ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), solo parents, senior citizens, at Persons with Disabilities (PWDs).

Nagpasalamat si Cong. Toby at Mayor John Rey Tiangco kay PBBM dahil nitong nakaraang linggo ay may 1,500 Navoteño ang nakabili ng hanggang limang kilo ng P29/kilo na bigas.

“We are grateful to President Bongbong for his efforts to ensure Navoteños can have access to low-cost rice through the Kadiwa ng Pangulo program. The local government of Navotas hopes to continuously work with the national government in delivering basic services that are truly relevant to the needs of our constituents,” sabi ni Cong. Tiangco.

Pinuri rin ni Tiangco ang mga pagsisikap na unahin ang pagpapaunlad ng agrikultura at kapakanan ng mga magsasaka.

Binigyang-diin niya ang inaasahang paglulunsad ng contract-farming program ng Department of Agriculture kasama ang National Irrigation Authority upang madagdagan ang murang suplay ng bigas sa mga tindahan ng Kadiwa.

Inulit ng Navotas solon ang kanyang suporta sa layunin ni Speaker Martin Romualdez na makamit ang rice self-sufficiency sa 2028, na binibigyang-diin ang panibagong pagtuon sa agrikultura ay magtitiyak ng malakas na pambansang suporta para sa mga magsasaka at mangingisda.

“I am one with the House leadership in pushing for efforts that will modernize and develop the country’s agricultural sector. Not only will it improve the lives of farmers and fisherfolks, it will also significantly contribute to food security of Filipinos,” aniya. (JUVY LUCERO)