
TIYAK nang magbabalik teleserye itong si Cong. Lani Mercado, dahil ayon sa kanya ay nami-miss na niya ang pag-arte. Kaya naman one of these ay, huwag na tayong magtaka kung makita nating muli siya sa telebisyon na umaarte.
“May mga offers na dumarating, kaso hindi siya swak sa aking schedule. Hindi natapat iyong isang offer sa recess schedule ko sa Congress, kaya hayun hindi nag-push through.
“Kung magkakaroon ngayon ako ng offer, willing akong tanggapin bastat swak na iyong time schedule ko sa recess sa Congress.
“Sana matuloy, kasi marami na rin sa aking mga followers ang nagtatanong na bakit daw hanggang ngayon ay hindi ako gumagawa ng teleserye? Pasasaan ba’t makakagawa rin ako,” masayang pahayag ni Ms. Lani Mercado-Revilla.
More Stories
RICKY DAVAO, PUMANAW NA SA EDAD NA 63
“PAALAM, SUPERSTAR! Nora Aunor, inilibing na sa Libingan ng mga Bayani”
Barni, anak ni Hajji Alejandro, nagluksa sa Social Media—“I’m gonna miss you forever, Daddywaps”