INANUNSIYO na ni Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang kanyang intensiyong tumakbong re-eleksiyonista bilang Pangulo ng Philippine Olympic Committee(POC).
Ang kinatawan ng 8th District ng Cavite na siya ring President ng Phil Cycling ay nahalal bilang POC chief sa idinaos na special poll noong Agosto 2019 matapos na magbitiw si dating POC President Ricky Vargas ng boxing upang maituloy ang termino ng huli at naging tampok agad sa panunungkulan ni ‘Bambol’ ang kanyang timon sa matagumpay na kampanya ng Filipino athletes sa nakaraang 30th South East Asian Games Philippines 2019 kung saan ay overall champion ang Pilipinas.
“Definitely, I will run for re-election as President, dahil hindi naman full term ang tinakbuhan ko nakaraan. I just ran to fill the gap when Mr.Vargas resigned”, ani Tolentino. ” Hindi ako nangangampanya pero yes I will run (for) a complete term.”
Ang dating alkalde ng Tagaytay City ay naging pinuno ng POC sa maikling panahon pero natatangi ang resulta ng kanyang pamumuno at ang patunay ay ang maliwanag na nakamit na karangalan ng bansa. “Hindi sa pagbubuhat ng bangko ang nagawa natin. Much more siguro kung complete term”,
Inihayag din ni Tolentino ang kanyang magiging First Vice President ay si Al Panlilio ng Samahang Basketball ng Pilipinas.
Si Ormoc City Mayor Richard Gomez na siyang pinuno ng fencing at pentathlon naman ang napisil bilang Second Vice President.
“After how many years, naibalik natin ang glorya sa Pilipinas bilang overall champion sa SEAGames”, dagdag pa ni Tolentino na tumalo kay atheletics chief Popoy Juico 24-20 noong August 2019 special POC election.
Ang POC ay magdaraos ng general assembly sa Setyembre 30 at ang filing of candidates ay magsisimula ng Oktubre 1 hanggang 30. Raratsada ang campaign period mula Nobyembre 1 para sa halalang nakatakda sa Nobyembre 27,
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna