MALAKI ang tsansang lumahok sa de-kalidad na basketball aksiyon sa Pilipinas Super League ang bayan ng Concepcion sa Tarlac at posible ito sa nalalapit na second conference Dumper Cup ng bakbakan sa hardcourt na tinagurian ding “Ang Liga Natin”.
Ayon sa isang insider ng koponan,halos ay naroon na sa pampinaleng stage ng kanilang pormal na paglahok sa ligang pinamumunuan ni PSL President Rocky Chan katuwang si Vp Ray Alao, Commissioner Mark Pingris, deputy Chelito Caro at basketball operation head Leo Isaac.
Nitong nakaraang linggo ay pormal na inanyayahan ni PSL VP Alao ang pamunuan ng progresibong bayan sa Central Luzon na Concepcion sa tanggapan ni Mayor Noel Villanueva kasama sa naturang pagdaraupang-palad sa aspeto ng sports sina Kap Manarang, Dep Ed head (coach) Benny Soriano, coach Julius De Vega at taal na Tarlacqueño businessman/sportsman Nat Manarang.
“Mayor ( Noel) Villanueva is enthusiastic na makalahok sa isang uri ng sport excellence league ang kanyang balwarte at makapagbibigay ng opportunity lalo na sa mga konstituwente niyang homegrown talents. Alam naman nating hitik sa talento ang mga Kabalen sa larong basketball. Abangan natin ang hitik sa aksiyon ng tropang Concepcion sa PSL,” sambit ni VP Alao matapos ang kanilang courtesy visit sa Alkalde ng Concepcion na isa ring batikang manlalaro noong kanyang prime playing seasons.
Sa susunod pang mga araw ay maipa-finalize na ang petsa at venues ayon kay Pres. Chan pati na ang total na bilang ng mga koponan sa ligang suportado ng Cocolife, Winzir, Dumper Party List, La Filipina Corned Pork and Luncheon Meat, Amigo Sigurado Pasta and Sauce, Unisol, Wilson, Wcube Solutions, Inc., Adcon at Hotel Sogo.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON