November 3, 2024

COMPUTER AT EDUCATIONAL LOAN NG GSIS, MALAKING TULONG SA MGA MAG-AARAL AT GURO

Muli, isa na naman pong magandang araw sa inyo, mga minamahal kong mga. Mga ginigiliw kong mga Ka-Sampaguita. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. Nawa’y hindi magmaliw ang di nauubos na biyaya’t pagpapala ng Panginoong Diyos. Muli na naman tayong tatalakay ng mga mahalagang usapin sa ating lipunan.

Ngayong kumpirmado na ngang tuloy ang pasukan sa Agosto, mga Ka-Sampaguita, may ilan sa mga magulang, guro at mga mag-aaral ang problemado. Kasi nga, wala pa silang magagamit na computer; lalo na nga’t ang siste ng pag-aaral ay online na dahil sa Covid-19 pandemic.

Bilang pagtugon sa suliraning ito, maglulunsad ng computer loan program ang Government Service Insurance System (GSIS) sa Agosto. Layun ng programang ito na makaagapay at makasabay sa new normal o blended learning ng Department of Education (DepEd) ang mga mag-aaaral para sa nalalapit na school year 2020-2021.

Aba’y magandang balita ‘yan, mga ka-Sampaguita.

Ang tungkol sa nabanggit na programa ng ahensiya ay pinahayag sa pre-SONA ni Finance Sec. Carlos Dominguez. Aniya, maaaring makapag-loan ng P30,000 ang ahensiya na magagamit naman ng mga magulang, mag-aaral  at mga guro sa pambili ng laptop o desktop computer.

Ang maganda pa rito, pwedeng bayaran ang loan sa loob ng tatlong taon namay 6 percent interest. ‘O hindi ba’t malaking tulong ito, mga kababayan. Siguro naman kayang bayaran iyon ng mga magulang at guro.

Bukod pa sa nabanggit na programa, ikakasa naman ng GSIS sa Setyembre ang education loan program. Ang nasabing loan ay para sa kuwalipikadong member na maaaring makapagloan hanggang P100,000 kada academic school year para sa mga nominated student-beneficiaries; na pwedeng bayaran ng limang taon.

Sa ganang akin mga kababayan, tama ang ginagawang hakbang n gating pamhalaan upang mapagaan ang programa sa edukasyon.Dahil sa panahon natin ngayon, kinakailangan nating makasabay sa mga pagbabagong nangyayari sa ating mundo; lalo pa nga’t nasa gitna tayo ng pandemya dulot ng Covid-19. Adios Amorsekos.