November 5, 2024

COMELEC SINUPALPAL ANG PETISYON NA BUKSAN COC FILING

Ibinasura ng Commission on Elections ang petisyon ng Duterte-led PDP-Laban faction na muling buksan ang certificates of candidacy (COCs) para sa papalapit na eleksyon sa Mayo.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, unanimous at “resoundingly” ang naging desisyon ng komisyon sa pagbasura sa naturang petisyon.

“Denied. Basta unanimous,” wika ni Jimenez ngayong Miyerkoles.

Dagdag pa niya, maging ang petisyon na nagnanais iusad sa 2025 ang halalan ay hindi rin nakalusot sa Comelec.

“It was denied as well as the petition to reset elections until 2025, both of them, resoundingly denied,” aniya.

Matatandaang nabakante ang presidente at bise-presidente ng PDP-Laban Cusi wing matapos umatras ng mga una nilang pambato.