Binalaan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato na nagpapa-raffle sa pangangampanya.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia na ang raffle o kahit na ang anumang donasyon ay maituturing na vote-buying.
“Akala siguro nila makakaligtas sila sa mga ganyan. Maaaring nakakaligtas sila sa panahon na hindi pa campaign period pero sinabi natin na sige, ka-Peñera-Peñera doctrine, pero ngayon pumasok na ang campaign period March 25 onwards hindi niyo na ma-cite ang Peñera na yan,” ayon kay Garcia.
Noong nakaraang linggo, nakuhanan ng video si Cavite Governor Jonvic Remulla na namimigay ng cash prizes sa mga lumahok sa talent show sa Bongbong Marcos-Sara Duterte campaign rally sa Dasmariñas City.
Bagama’t itinanggi ni Remulla na may naganap na vote-buying dahil hindi pa naman daw nagsisimula ang campaign period sa mga lokal na kandidato.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE