Hindi na itutuloy ng Commission on Elections (COMELEC) ng vice presidential at presidential debates, na nakatakda sana sa Abril 30 at Mayo 1.
Bunsod ito ng conflict of schedule ng mga kandidato sa pagka-presidente at bise presidente sa binagong petsa ng debate.
Ang orihinal na schedule ng debate ay noong Abril 23 at 24 pero nakansela ito dahil sa tumalbog na tseke ng debate contractor sa Sofitel Hotel kaya inurong ito sa katapusan ng buwan hanggang Mayo 1.
Imbes na town hall debate, magsasagawa na lamang ng panel interview sa mga presidential at vice presidential candidates, ayon kay Commissioner George Garcia nitong Lunes.
“The Commission on Elections, in partnership with the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), has announced that the concluding event of the PiliPinas Debates 2022 Series will no longer be Vice-Presidential and Presidential Town Hall Debates,” saad ni Garcia. “In consideration of the inevitable scheduling conflicts as the candidates approach the homestretch of the campaign period, and as advised by the KBP, the Comelec will now be adopting a Single Candidate/Team – Panel Interview format,” paliwanag pa niya.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE