Ibinasura ng 2nd division ng Commission on Elections ang Petition for disqualification laban kay dating DSWD Sec. Erwin Tulfo bilang kinatawan ng ACT CIS Party List.
Sa inilabas na desiyon ng Comelec, sinabi nitong walang basehan ang petisyon ng isang Atty. Moises Tolentino na humalili si Tulfo sa third nominee na si Jeffrey Soriano matapos nitong mag-resign sa pwesto.
Sinabi ni Tolentino , na hidni dapat payagang umupo ang dating kalihim dahil kwestyunable ang citizenship nito at nagkaroon ng conviction sa mga kasong libel, pero ang mga argumento niya ay hindi pinakinggan ng poll body dahil sa kabiguan ng petitioner na maglabas ng mga ebidenisya.
May limang araw ang petitioner para maghain ng motion for reconsideration para sa disqualification petition.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON