December 25, 2024

COMELEC: 7,726 BRGY.  CHAIRMAN, WALANG KALABAN

Para sa paparating na 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), libo-libong kandidato ang tatakbo na walang kalaban.

Para sa gampanin ng barangay chairman, 7,226 kandidato sa buong bansa ang walang makakatapat na kalaban, ayon sa datos ng Commission on Elections (Comelec). Karamihan sa kanila ay sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Eastern Visayas, Western Visayas at Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).

Lumalabas din sa datos ng Comelec, na 1,611 kandidato sa posisyon ng konsehal ang walang kalaban.

Sa SK elections, 8,057 chairpersons ang wala ring kalabang kandidato, habang 10,620 youth council member positions ang tiyak na ang panalo. Karamihan sa kanila ay mula sa BARMM.

Ayon sa Comelec law department, simpleng isang boto lamang ang kailangan ng lone candidate para pormal ang panalo nito.

Bukod sa unopposed candidates, bakante rin ang ilang posisyon sa ilang barangay dahil sa kakulangan ng kandidato na naghain ng certificate of candidacy.

Base sa datos ng Comelec, may walong barangay ang walang kandidato na gustong tumakbo bilang barangay chairman. Matatagpuan ang walong barangay na ito sa BARMM, isa sa Zamboanga Peninsula at isa pa sa Central Visayas.

Aside from unopposed candidates, numerous barangays may have vacant elective positions due to a lack of candidates filing certificates of candidacy.

Dagdag pa rito, wala ring gustong tumakbong SK chairperson sa 124 barangay at wala ring naghain ng kandidatura sa 153 barangay para gampanan ang tungkulin bilang SK member.

Gayunpaman, kahit kulang ang kandidato para sa ilang barangay posts, sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na magpapatuloy pa rin ang eleksyon.

Pagkatapos ng election, alinsunod sa Local Government Code, magdedeklara ang alkalde na permanenteng ibakante ang naturang posisyon.

Sa kaso kung saan walang kandidato para sa barangay chairperson o SK chairperson, mayroong dalawang opsyon na pagpipilian: maaring magtalaga ng “caretaker” ang Department of the Interior and Local Government, sa pamamagitan ng mayor o sundin ang rule of succession.

Sa ilalim ng rule of succession sa Chapter 2, Section 44, ng Local Government Code, ang barangay kagawad o SK member na may pinakamaraming boto ang siyang gaganap sa tungkulin bilang barangay captain o SK chairman. Habang ang bakanteng puwesto naman ng barangay kagawad ay pupunan sa pamamagitan ng appointment na isasagawa ng alkalde.

Ang isa pang option para tugunan ang bakanteng SK position ay ang pagsasagawa ng special elections, ayon kay Laudiangco.

Nabanggit din ni Laudiangco na ang mga indibidwal na itatalaga ng alkalde ay kailangang pasok sa kwalipikasyon para sa posisyon na ibibigay sa kanila upang matiyak na sila ay karapat-dapat at kwalipikado para punan itong mahalagang tungkulin sa local governance.