December 26, 2024

COA CHAIR CALIDA: ‘I WILL DO WHAT I WANT TO DO

Nanumpa na sa kanyang katungkulan si dating Solicitor General Jose Calida bilang chairman ng Commission on Audit (COA) ngayong araw, kung saan nangako ito na babantayan niyang mabuti ang government agencies at state auditors.

Dumating si Calida pasado alas-10:00 ng umaga at dumalo sa tatlong oras na private briefing kasama ang mga uupong sina audit Commissioners Roland Pondoc at Mario Lipina.

Walang naganap na formal turnover ceremony dahil walang umuupong chairman ang COA. Matatandaan na bumaba noong nakaraang buwan si Davao City accountant Rizalina Justol, na itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero, matapos siyang hindi kumpirmahin ng Commission on Appointments (CA).

Ang COA ay inaatasan ng 1987 Constitution na tingnan ang mga rekord ng pananalapi at mga transaksyon ng mga tanggapan ng gobyerno taun-taon upang bantayan ang mga maling paggamit ng pondo, maling accounting procedures, at mabagal na progreso sa mga proyekto.

Nang tanungin kung ano ang kanyang mga prayoridad sa COA, tumanggi si Calida na magbigay ng direktang sagot.

“This is my first day, give me some more days we’ll tell you what we want to do,” aniya sa mga reporter.

Sinabi rin niya na wala siyang natatanggap na marching orders mula kay Pangulong Bongbong Marcos Jr matapos ang kanyang appointment: “No instruction, kwan lang is I should be the head of this agency.”

“I will do what I want to do,” dagdag niya nang tanungun kung sisilipin din niya ang mga nakaraang administrasyon at mga dating transaksyon na kinuwestiyon ng state auditors.“Kung may kalaban kami, we will win. Magaling ‘yung mga empleyado so wala akong problema sa kanila,” dagdag ni Calida.

Sa mga tanong kung paano magpapatuloy ang checks and balances sa mga ahensya ng gobyerno, sinabi ni Calida: “Mababantayan talaga namin di ba, kasi sa SC (Supreme Court) nga lang panalo na kami palagi, kaya manalo pa rin kami.”