Natapos na nga ba ang pag-aagawan nina Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Alan Velasco sa liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso?
Mga ka-Agila, bukas, simula ng special session na ipinatawag ni Pang. Duterte sa Kamara para ipasa ang 2021 national budget na higit P4 trillion.
Kanina, iniluklok ng 186 Kongresista si Velasco bilang bagong Speaker sa isang session sa Celebrity Sports Plaza, sa labas ng Batasan Pambansa.
Sa bisa ng Konstitusyon, kelangan ng 151 mambabatas para maihalal ang Speaker ng Kamara.
Sa kabilang kampo, sinabi ni Cong. LRay Villafuerte na meron silang 205 Kongresista na sumusuporta sa liderato ni Speaker Alan Cayetano.
Tinawag ni Cayetano na kalokohan, “fake session” at “very, very disturbing precendents” ang ginawa ng kampo ni Lord Velasco sa botohan ng Speaker sa labas ng bulwagan ng Kamara dahil “unconstitutional” ito.
Tiniyak naman ni Cayetano na magiging maayos at honorable ang special session sa araw na ito para maipasa ang pambansang pondo.
“We will have an honorable and orderly session…look at the proclamation, do the budget.. pero kung manggugulo po sila hindi matatapos ang budget,” dagdag ni Speaker Cayetano
Inaasahang maipapasa ang panukalang badyet sa loob ng tatlong araw na sesyon kung hindi magkaka-gulo at mag-aagawan ng official maze sa Kamara. Abangan ang susunod na kabanata!
*****
Sa kabila ng circus sa House of Representatives, abalang-abala naman ang Senado sa pagta-trababaho at pag-talakay sa panukalang 2021 national budget sa panahong ito.
Simula pa noong September, nag-umpisa na ang Senado na busisiin ang badyet ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno hanggang sa mga oras na ito. Inirekumenda na ng sub-committees on Finance para sa plenary deliberations ang budget ng Office of the President, OVP, DepEd, CHED, DoF, DSWD, DND, DENR, Judiciary, NICA, NSC, PCOO at iba pang departamento.
Sa mga susunod na araw, naka-skedyul ang badyet ng DPWH, DOE, PCOO and attached agencies, Dept of Tourism, Dept. of Agriculture, BFAR, SBMA, APECO, AFAB, LEDAC, at iba pa.
****
May punto sina Senador Bong Revilla at Senadora Risa Hontiveros nang kuwestyunin nito ang pagtatayo ng cell towers ng third telco sa loob ng military camps sa bansa.
Giit ni Revilla na nakababahala umano na matiktikan at malaman ng Chinese spies ang mga pang-loob na aktibidad ng Armed Forces of the Philippines kung ito ay lalagyan ng cell towers ng DITO.
Bagama’t sang-ayon sa Konstitusyon na may 40% na sosyo ang Chinese company sa DITO telco, ikinababahala ng ilang mambabatas na magiging daan ito sa pang-iispiya ng China sa mga Pilipino.
Base sa defense, security and intelligence law ng China, obligado ang mga kumpanya at mga negosyante na magbigay ng intelligence infos sa Chinese communist party at Politburo tungkol sa aktibidad ng isang bansa.
Tulad ng POGO, ani Hontiveros, malamang ang mga Chinese employee ay nagrereport sa China at nakatatakot na sila ay nakatira malapit sa kampo ng military bases ng bansa.
Bukod dito, kahit ang Amerika, Europa at iba pang bansa ay sunod-sunod na nagba-ban ang 5G technology ng China dahil sa takot na panghihimasok nito sa kanilang information technology systems.
Sagot naman ni Defense Sec. Delfin Lorenzana, walang dapat ikabahala ang mga Pilipino sa itatayong cell towers ng DITO sa mga kampo ng AFP dahil pawang tsismis lang din ang makukuha ng mga kalaban kung mang-i-ispiya man sila sapagkat hindi basta-basta mapapasok ng Chinese spies ang intelligence and security operations ng AFP.
Katwiran din ni Lorenzana, hindi lang China ang naniniktik kundi maging ang maraming bansa sa mundo ay nag-mamanman sa kilos ng bawat isa.
Sa budget hearing, kinumpirma ni Lorenzana na may P500M IT fund sa taong 2020 at dagdag na P500M IT fund sa 2021 na ibibili ng softwares and hardwares para sa information technology warfare ng military.
Nabahala naman si Sen. Imee Marcos sa pag-amin ni Lorenzana na walang capability ang AFP na idepensa ang ating mga teritoryo sakaling may umatake na kalaban.
Sa pagtatamong ni Marcos, sinagot ni Lorenzana na wala pang 25% ng assets na di pwedeng ipangsagupa at ipangtatapat sa mga intruder dahil ang mga biniling barko ng Pilipinas ay walang mga armament.
Gayunman, may 2 frigates na binili ang Pilipinas sa South Korea at may iba pang patrol crafts na inorder ang AFP para ipagtanggol ang ating teritoryo.
Para sa inyong suhestyon, reaksyon at opinyon, mag-email lang sa [email protected].
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA