July 1, 2025

Cignal, pumasok na sa mundo ng Microdrama: Vertical Series handog sa Cignal Play

MANILA — Pormal nang inilunsad ng Cignal, ang nangungunang multimedia company sa bansa, ang Cignal Play Microdrama — isang bagong koleksyon ng short-form, vertical series na eksklusibong mapapanood sa kanilang streaming platform na Cignal Play simula Hunyo 28.

Bahagi ito ng pagpasok ng Cignal sa microdrama category, ang mabilis na sumisikat na global trend sa digital entertainment kung saan ang bawat episode ay tumatagal lamang ng limang minuto pababa, at ini-stream sa vertical format na akmang-akma para sa mobile viewing sa mga Android at iOS devices.

Kasama sa mga unang Cignal Originals na mapapanood sa vertical format ang:

  • “I See You” na pinagbibidahan ni Dimples Romana
  • “My Father’s Last Wish” tampok si Dylan Menor
  • “3 Queens and a Baby” na pinangungunahan ni Christian Bables

Layon ng mga microdrama na ito na itampok ang galing ng mga Pilipinong content creators, gamit ang makabago at maikling pormat na swak sa panlasa ng modernong audience na laging on-the-go.

“We are excited to introduce Cignal Play Microdrama,” ani Cignal President at CEO Jane Jimenez-Basas. “Ito ay isang malaking hakbang para sa Cignal sa pagtanggap ng mga pagbabagong dala ng digital media. Ang microdramas ay bagong paraan para maipahayag ang mga makabuluhang kuwentong Pilipino.”

Bukod sa mga lokal na original titles, tampok din sa Cignal Play Microdrama ang mga international vertical series mula sa Dashflix, na nagbibigay sa viewers ng mas malawak na genre at content choices.

Ang unang limang episodes ng bawat microdrama ay libre, habang ang buong access ay maaaring makuha sa halagang ₱20 kada araw lamang.

Ang pagpasok ng Cignal sa microdrama ay dagdag sa lumalawak nitong digital ecosystem na kinabibilangan ng Cignal satellite TV, fiber IPTV, at digital platforms gaya ng Cignal Play, Pilipinas Live, at Cignal Super — lahat ay nakatuon sa pagbibigay ng dekalidad at abot-kayang entertainment para sa mga Pilipino.

Para makapanood, i-download o i-update lamang ang Cignal Play app sa iyong Android o iOS mobile device.