Natigil ang pangarap ni Johann Chua na maging ikatlong Filipino na manalo sa US Open Pool 9-Ball Championship matapos matalo sa semifinals sa Harrah’s Resort nitong Sabado, Agosto 23.
Ang 2023 World Cup of Pool champion ay natalo kay defending champion Fedor Gorst ng Amerika, 11-7, sa kanilang race-to-11 semifinal clash. Aminado si Chua na ramdam niya ang pressure sa kritikal na bahagi ng laro.
“I’m sorry I failed to get the trophy. I was uncomfortable on my first few racks. The pressure (was) too high. I managed to collect myself midway, but it was a bit too late,” post ni Chua sa social media.
Sa kabila ng pagkatalo, sinabi niya na mahalaga ang karanasang ito para sa mga susunod niyang torneo at nagpasalamat sa kanyang mga kalaban at tagasuporta:
“Please know I honor all of you and thank you for our tough matches. I was able to learn more. It gears me up to be better. Maraming salamat po sa aking mga kababayan at mga taga-suporta na napuyat kakaabang at panonood sa mga laro ko. Babawi po tayo sa susunod, pangako, mas gagalingan ko pa. Walang sukuan. Laban lang nang laban!”
Natalo rin ni Gorst sa final laban sa Singapore’s Aloysius Yapp, 13-11, matapos makalusot sa semifinals at quarterfinals. Dominante ang paglalakbay ni Yapp patungo sa titulo: tinalo niya si Filipino Jefrey Roda, 10-2, sa Last 16; hinarap ang Germany’s Joshua Filler, 10-8, sa quarterfinals; at pinataob ang Chinese Taipei’s Ko Pin Yi, 11-4, sa semifinals.
Ito ang matamis na redemption para kay Yapp na natalo kay Filipino Carlo Biado sa finals ng 2021 edition. Sa panalo, nakuha ni Yapp ang $100,000 (tinatayang P5.7 milyon) mula sa $500,000 (P28.2 milyon) total prize pool.
Si Chua naman ay tumanggap ng $25,000 (P1.4 milyon) consolation prize para sa kanyang semifinal finish. Bago makarating sa Final Four, ipinakita ni Chua ang kahusayan sa knockout rounds, tinalo si Germany’s Thorsten Hohmann (10-9) at Greece’s Alexander Kazakis (10-6). Sa preliminary phase, natalo niya si American Floro Ritarita (9-5), Dutchman Quinten Pongers (9-7), at kapwa Filipino na si Roland Garcia (9-7).
Sa kabuuan, 15 Filipino cue artists ang lumahok sa 256-player field, kung saan 10 ang nakapasok sa Last 64 knockout stage. RON TOLENTINO
