May 19, 2024

CHRISTOPHER DE LEON, WALANG DATING SA JURORS ANG KANYANG PAG-ARTE

HINDI talaga feel iyong role ni Boyet de Leon sa movie nila ni Vilma Santos na entry sa, Metro Manila Film Festival at Manila International Film Festival. Laglag na naman siya dahil ang nakakuha ng Best Actor ay si Cedrick Juan sa Metro Manila Film Festival, at sina Dingdong Dantes at Piolo Pascual nag-tie naman sa Manila International Film Festival.

“Hindi na siya iyong Christopher de Leon na kapag umaarte ay mapapabilib ka sa acting power niya, minsan may kuha siya na parang may sakit ang awra niya. Gayung ang liksi-liksi naman at maskulado ang kanyang pangangatawan.

“Tinalo pa siya ni Cedrick Juan, na hindi kikala at isang baguhan sa larangan ng pag-arte. Sina Dingdong Dantes at Piolo Pascual ay mga bihasa na sa pag-arte, kung tutuusin hindi niya ka-level ang mga ito. Pero ang sitwasyon ngayon ay, ka-level na ni Boyet sina Piolo at Dingdong.

“Sign na ito na dapat ay maging maingat na si Boyet sa mga role na kanyang gagawin o gagampanan, dahil kung hindi ay mapag-iiwanan siya dahil sa hindi na nga siya feel ng mga jurors ay flop pa sa box-office ang kanyang pelikulang ginawa,” malungkot na pahayag aking source.