
Bumida si Chris Paul para sa ihatid ang Phoenix Suns sa semis ng 2022 NBA playoffs. Tinusta ng ‘The Valley’ team ang New Orleans Pelicans, 115-109 sa Game 6 ng West Round 1. Sinelyuhan ng Suns ang series sa 4-2.
Bumira ang star guard ng 33 points, 8 assists at 5 boards. Impresibo ang ginawang opensa ni Paul na walang sablay sa 14-14 sa field. Kauna-unahan ito sa history ng NBA playoffs.
Nag-ambag naman si DeAndre Ayton ng 22 points at 7 rebounds. Habang ang nagbabalik larong si Devin Booker ay kumana ng 15 points at 5 boards.
Sa panig naman ng Pelicans, naglista si Brandon Ingram ng 21 points at 11 assists. Bumistay naman si CJ McCollum ng 16 points at 3 rebounds. Kaugnay sa semis, makakatapat ng Phoenix ang Dallas Mavericks.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo