November 2, 2024

CHOLE ISLETA, SUMISID NG GINTO SA WOMEN’S BACKSTROKE

Nasisid ni Chloe Isleta ang unang gold ng Pinas sa 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam.  Nakuha niya ito nang magreyna sa women’s 200-meter backstroke event. Naglista si Isleta ng 02:18.60 na gahibla lang ang lamang kay Nurul Fajar Fityati ng Indonesia.

Nagtala ang Indonesian swimmer ng 02:19.79  second finish. Habang ang Thai na si Mia Miller ay nagtapos ng 02:19.90 para sa third place. Ang pagsisid ni Islate ay naganap matapos hablutin ni Jessica Geriane ng silver medal sa women’s 50m backstroke.

Kung saan, nagtapos si Islate sa unang salang sa 4th place. Si Miranda Renner naman ang nagtapos ng bronze sa women’s 100m freestyle.

Ito ang second straight SEA Games na nakasisid ang swimming team ng gold medal. Matapos basagin ni James Deiparine ang decade-long gold medal drought ng bansa noong 2019.Nagwagi noon si Deiparine sa men’s 100m breaststroke.