Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang dayuhan, isang Chinese at isang Vietnamese, na makapasok ng bansa upang illegal na magtrabaho.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, naharang ang nasabing mga alien sa NAIA Terminal 3 noong Hunyo 23 at Hunyo 25 nang dumating at humirit na papasukin sa bansa bilang mga turista.
Bilang resulta ng kanilang exclusion, inilagay ang dalawang dayuhan sa immigration blacklist, at tuluyang hindi na papasukin ng Pilipinas.
“They were denied entry after our officers determined that they were likely to become public charge, as stipulated by the provisions, resulting in their classification as excludable aliens under our immigration laws,” ani Tansingco.
Binigyang-diin ni Tansingco na ang lahat ng immigration personnel an nakatalaga sa international airports ay patuloy na nakaalerto upang manatiling mapagbantay laban sa mga dayuhan na nagtatangkang pumasok sa bansa na nagpapanggap bilang mga turista na nagbabalak na magtrabaho ng illegal. (ARSENIO TAN)
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE