Sinabi ni Chinese tennis star Peng Shuai na ligtas siya kaugnay sa balitang nawawala siya. Sa isang video call kasama ang president ng International Olympic Committee (IOC), tinuran niya ang kanyang kalagayan.
Nag-alala kasi ang Western goverments nang mapabalitang di na makita si Shuai. Ito’y bunsod nang magsalita siya sa tungkol sa sex assault ng isang Chinese officer. Nangyari aniya ito ilang taon na ang nakalilipas noong kasagsagan niya s apaglalaro ng tennis.
Bilang patunay, may inilabas na larawan at video kay Peng sa isang children’s tourney sa Beijing. Sa isang statement sa 30-minute call nito sa IOC kasama ang president na si Thomas Bach, nagpasalamat siya sa Olympics organization dahil sa concern.
“She explained that she is safe and well, living at her home in Beijing, but would like to have her privacy respected at this time,” saad ng IOC sa statement.
“That is why she prefers to spend her time with friends and family right now. Nevertheless, she will continue to be involved in tennis, the sport she loves so much,” aniya.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2