December 24, 2024

Chinese Olympic Committee, nag-alok ng free vaccines sa mga PH athletes

Nag-alok ng Chinese Olympic Committee ng free vaccines doses kontra COVID-19. Na ito ay gagamitin sa mga delegates sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

Dahil dito, tiyak na mababakunahan ang lahat ng member ng Team Philippines sasalang sa Tokyo Olympics.

 “The IOC has received a kind offer from the Chinese Olympic Committee, hosts of the 2022 Beijing winter Olympics.”

“To make additional vaccine doses available to participants in both editions of the Olympic Games, Tokyo 2020 and Beijing 2022,” ani IOC president Thomas Bach.

Sa ngayon,csina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo ang may ticket sa olympics. Gayundin sina boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno ang mga atletang may tiket sa olympics.

Tiwala namang madadagdagan pa ang bilang ng mga atleta sa quadrennial Games. Kabilang ditto si 2016 Rio de Janeiro silver medalist Hidilyn Diaz (weightlifting)

Gayundin si 2018 Asian Games gold medal winner Margielyn Didal (skateboarding), Southeast Asian Games queens Kiyomi Watanabe (judo) at Junna Tsukii (karatedo) na abot-kamay na ang qualifying points.