ARESTADO ang isang Chinese national na sangkot umano sa pagbebenta ng mga counterfeit na Makita products sa bisa ng isang search warrant na ipinatupad ng pulisya sa Navotas City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU) chief P/Col. Erosita Miranda ang inarestong suspek bilang si Hong Xiao Bao alyas “Ben Ong”, 34, Owner/Manager ng Credibility Logistics Co., LTD at residente ng 1001 Masangkay St., Brgy. 214, Binondo, Manila.
Sa report ni Col. Miranda kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, nakatanggap ang DSOU ng impormasyon na ang isang certain business entity na nasa ilalim ng pangalan ni Hong Xiao Bao alyas “Ben Ong” ay nagbebenta umano ng mga pekeng Makita products.
Nang positibo ang impormasyon makalipas ang ilang serye ng surveillance, verification at test buy ay agad ipinatupad ng mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni P/Capt. Melito Pabon ang search warrant na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 90, Quezon City noong December 16, 2022 kontra sa Credibility Logistics Co., LTD na matatagpuan sa 145A/145B Simeon De Jesus St., San Rafael Village, Navotas City dakong alas-9 ng umaga.
Nakumpiska ng mga operatiba ang 700 piraso ng Impact Drill, 300 piraso ng Welding Machine at 24 piraso ng Impact Hammer Drill na may estimated market value Php 5,537,000 habang nadiskubre din ang iba pang pinaniniwalaang counterfeit products na may estimated market value Php200,000,000.
Sa isinagawang beripikasyon ng DSOU, nadiskubre nila na hindi nakarehistro sa mga opisina ng Business Permit and License Office ng Navotas at Security and Exchange Commission ang Credibility Co., LTD.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 168 (Unfair Competition) of RA No. 8293 Intellectual Property Code of the Philippines.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY