December 25, 2024

Chinese drug trafficker na papalit-palit ng pangalan, timbog

HINDI na nakapagtago sa kaniyang pagpapanggap ang isang Chinese national na matagal nang pinaghahanap ng ng takasan ang kasong drug trafficking nang makumpirma ang kaniyang pagkatao sa “fingerprint examination” ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kahaharapin na ngayon ng suspek na si Frank Chua ang hatol ng korte sa kaniya na “reclusion perpetua” o habambuhay na pagkakulong sa kasong drug trafficking.

Ayon sa NBI, kasamang naaresto si Chua noong 1989 na nakumpiskahan ng nasa 58 kilo ng shabu sa may Ilocos Sur.  Ngunit noong Marso 22, 1990, nagawang makatakas ni Chua at mga kasamahan sa Vigan Provincial Jail.

Ipinagpatuloy naman ng korte ang pagdinig sa kanilang kaso hanggang sa maglabas ng desisyon noong Oktubre 7, 1994 na nagpapataw sa kanila ng naturang sentensya.

Nagtago si Chua sa iba’t ibang lugar sa bansa hanggang sa maaresto ng NBI-Anti-Illegal Drug Task Force at NBI-Olongapo District Office noong Hulyo 4, 2003 sa isang restoran sa Subic Bay Freeport Zone.  Itinanggi niya na siya si Chua at nagpakilala sa pangalang Tsai Jung Shui.

Ipinagkumpara namana ng kaniyang fingerprint sa rekord ni Chua at nakita na magkapareho ang mga ito.  Inilipat siya sa New Bilibid Prison (NBP), kung saan muli siyang nakatakas noong 2004.

Muli siyang naaresto nitong Hulyo 28, 2002 sa Sampaloc, Maynila at muling itinanggi na siya si Chua kasabay ng pagsasabi na ang pangalan niya ay Tsai Rong Chang.

Nagsagawa muli ng “comparative examination” ang NBI-Dactyloscopy Division sa mga fingerprints at muling tumugma ito sa iisang tao lamang na si Chua.