November 5, 2024

CHINA SA PILIPINAS: ‘WAG PALALAIN SITWASYON SA WEST PHILIPPINE SEA

Bumwelta ang Department of National Defense (DND) sa naging pahayag ni Chinese Foreign Ministry Spokesman Wang Wenbin na dapat itigil umano ng Pilipinas ang anumang hakbang na makapagpapalala ng tension sa West Phl Sea.

Sa isang pahapayag sinabi ng DND na walang karapatan ang China na diktahan ang Pilipinas kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin nito sa sariling teritoryo lalo na kung sa loob ito ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Ayon kay Defense Spokesman Arsenio Andolong, nagsalita na ang International Arbitral Court kung saan, ibinasura nito ang 9 dash line claim ng China sa nasabing karagatan.

Kaya malinaw aniyang walang hurisdiksyon ang China sa anumang hakbang na gagawin ng Pilipinas para igiit ang soberenya nito.

Nag-ugat ang naging pahayag ng Tsina matapos paigtingin pa ng Pilipinas ang puwersa nito sa EEZ dahil sa unti-unting pagdami ng mga barko nito sa mga bahura o islang sakop ng bansa.

” China has no business telling the Philippines what we can and cannot do within our own waters. The arbitral award has categorically stated that the Chinese claim bounded by their so-called nine dash line according to their “historical right” has no basis in fact. Therefore, it is they who are encroaching and should desist and leave. We will continue to do what is necessary to protect our sovereign rights,” pahayad ni Dir. Arsenio Andolong.